Cayetano inulan ng batikos sa social media

0
11

Inulan ng batikos sa social media si House Speaker Allan Peter Cayetano matapos na tila ikumpara nito sa mga frontliners ang mga mambabatas na dumalo sa special session ng Kongreso.

Bago kasi nagsimula ang special session ay nagpakuha muna ng litrato si Cayetano kasama sina Executive Secretary Salvador Medialdea at iba pang opisyal.

Hawak ni Cayetano at Medialdea ang manila paper kung saan nakasulat ang mga katagang “together with doctors and frontliners, we went to work for you, so please stay home for us”.

Ayon sa netizens, walang karapatan si Cayetano na ikumpara ang pagpasok nya sa trabaho ng isang araw lamang sa panganib na sinusuong ng araw araw na pagharap ng frontliners sa panganib na mahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).