29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo mahigit 73,000 na

- Advertisement -

Pumalo na sa mahigit 73,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Habang mahigit 1.31-M katao naman sa buong mundo ang nahawaan nito.

Malaking bahagi ng bilang ng mga nasawi ay mula sa Europa na umaabot sa halos 52,500 katao.

Nananatili namang pinakamatinding apektado ng COVID-19 pandemic ang Italy kung saan mahigit 16,000 na ang naitatalang nasawi.

Sinundan ito ng Spain na nakapagtala ng mahigit 13,000 pagkasawi.

Mahigit sa 10,300 katao na rin sa Estados Unidos ang namatay dahil sa COVID-19 kung saan higit 300,000 na ang kabuuang kumpirmadong kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -