Saturday, May 4, 2024

Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa umabot na sa 25

- Advertisement -

Sumampa na sa 25 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito’y ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan nadagdagan din ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ni Vergeire, nasa 380 na ang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Gayunman, ipinagmalaki naman ni Vergeire na patuloy din namang nadaragdagang ang bilang ng mga nakarerekober sa virus matapos na maitala ang bilang na 15 na mga pasyente na tuluyang gumaling sa sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img