Friday, May 17, 2024

Mga nakasalamuha ng babaeng Chinese na positibo sa 2019-nCoV ARD tinutunton na

- Advertisement -

Nakikipagtulungan na sa pamahalaan ang Philippine Airlines at Cebu Pacific, sa pagtunton sa mga kinaroroonan ng mga nakasalamuha ng babaeng Chinese na unang nagpositibo sa novel coronavirus sa bansa.

Ayon sa pamunuan ng CebuPac, kanila nang kino-contact ang mga nakatabing pasahero ng naturang pasyente sa eroplano.

Anila, hindi rin muna pinapalipad ang eroplanong sinakyan ng Chinese.

Dagdag pa rito, hindi naman nila nakitaan ng sintomas ng nCoV ang mga piloto at crew ng naturang eroplano.

Samantala, isinailalim naman ng PAL sa quarantine ang dalawang piloto at apat na cabin crew ng eroplanong sinakyan ng Chinese mula Dumaguete patungo naman ng Maynila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -