Mga nagpositibo sa pagsisimula ng COVID-19 mass rapid testing sa Tondo 1 pumalo sa 109

0
23

Isangdaan at siyam (109) na residente ng Tondo 1 sa Maynila ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pagsisimula ng mass rapid testing ng lokal na pamahalaan sa lugar.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, mahigit 1,000 residente ng Tondo 1 ang naisalang na sa rapid tests sa unang araw ng pagpapatupad ng hard lockdown doon.

Ang mga nagpositibo naman ay isasalang pang muli sa confirmatory test.

Samantala, umabot sa mahigit 200 mga lumabag ang naaresto ng awtoridad sa unang araw ng pagpapatupad ng hard lockdown sa Tondo 1 District natatagal hanggang alas-5 ng umaga bukas.