Mga nagbebenta ng paputok sa Bocaue pumapalag

0
62

Pumapalag na ang mga nagtitinda ng paputok sa Bocaue, Bulacan dahil sa tumal ng bentahan ilang araw na lamang bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Ayon sa ilang tindera, malaki ang ibinagsak ng kanilang benta kumpara sa nakalipas na mga taon.

Anila, kadalasan ay mga retailer lamang ang bumibili sa kanila at nawalan na rin ang mga byahero ng paputok na bumibili para i-pangtinda.

Sinisisi ng mga maninida ang Exectuive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglilimita sa paggamit ng paputok at pampailaw sa buong bansa.

Sa kabila ng matumal na bentahan, tumaas pa rin ng 30 porsyento ang presyo ng mga paputok.

Mabibili ng P35 ang kada 10 piraso ng luces, P400 ang kada isang daang piraso ng kwitis, P50 ang isang sinturon ni hudas, P80 hanggang P100 ang trumpilyo at P800 hanggang P1,000 naman para sa aerial fireworks.