33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mga motoristang gagamit ng ‘8’ plaka pagmumultahin at titiketan

- Advertisement -

Pagmumultahin at titiketan na ang mga motoristang gagamit pa rin ng plakang ‘8’ sa mga sasakyan.

Ipinabatid ito ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) matapos mag viral ang video ng isang road rage suspect na gumamit ng sasakyang may plakang ‘8’.

Ayon kay PNP-HPG Director Chief Supt. Roberto Fajardo, katuwang nila ang lto para tutukan na rin nila ang mga sasakyang patuloy na gagamit sa number 8 car plate at pagmumultahin nila ng limang libong piso ang mga gagamit nito.

Samantala, inihayag ni Fajardo na natunton na ng mga otoridad ang sasakyan ni Jojo Valerio, ang lalaking nanuntok ng motorista sa Angeles, Pampanga.

Gayunman, sinabi ng police official na wala na ang plakang otso na sasakyan at iba na ang kulay ng SUV.

Iniimbestigahan na ng mga pulis kung saan nakuha ni Valerio ang number 8 car plate.

Una nang ipinag utos ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagbawi sa lahat ng mga number 8 protocol plate na naipamahagi sa mga nakalipas na Kongreso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -