Thursday, May 9, 2024

Pag-ulan sa Visayas at Mindanao asahan dahil sa paparating na bagyo

- Advertisement -

Asahan na ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao pati na sa Palawan dahil sa low pressure area (LPA) at papalapit na bagyo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posible pang lumakas ang paparating na bagyo na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo.

Ang sentro ng naturang bagyo ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 2,000 kilometro silangan ng Mindanao.

Taglay ng nasabing bagyo ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras at may pagbugso na umaabot sa 60 kilometro kada oras

Kapag pumasok na sa bansa ang naturang bagyo ay tatawaging Samuel.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img