35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mga manggagawang apektado ng ECQ aabot na sa 630,000

- Advertisement -

Aabot sa 630,000 manggagawa ang apektado ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ito ay dahil sa ilang mga negosyo ang pansamantalang isinara o nagpatupad ng flexible working arrangements.

Sa naturang bilang ng mga manggagawa, 169, 000 rito ang informal sectors.

Dahil dito, sinabi ni Bello na dapat na agad na makipag-ugnayan sa DOLE ang mga apektadong manggagawa upang agad na makapaglabas ng tulong pinansiyal ang DOLE sa mga ito.

Sinabi ni Bello, umabot na P160-M ang halaga ng financial assistance na inilabas ng DOLE para sa mga manggagawa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -