36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Lacson umaasa na mas detalyado na ang susunod na ‘Bayanihan report’ ni Duterte

- Advertisement -

Umaasa si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na mas detalyado na ang susunod na isusumiteng ‘bayanihan’ report ni Pang. Rodrigo Duterte sa kongreso.

Ayon kay Lacson, wala kasing konkretong action plan ang unang bayanihan report na isinumite ng Pangulo sa kongreso.

Kabilang sa mga programang idinitalye ni Pang. Duterte sa kaniyang unang report ay ang pagbibigay ng ayuda sa pinaka apektadong sektor dahil sa umiiral na enhanced community quarantine bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nakasaad din sa isinumiteng report ng Pangulo ang pagtitiyak na may sapat na gamit at pasilidad ang mga health workers sa bansa.

Sa ilalim ng bayanihan to heal as one act na nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Duterte, nakasaad na kailangang magsumite ng Pangulo ng report sa kongreso tuwing Lunes, hinggil sa naging pag-gamit ng pondo, at mga hakbang ng pamahalaan kontra COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -