Mga maghahain ng COC sa huling araw hinimok na sumunod sa ‘4 companion only’

0
61

Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga maghahain ng certificate of candidacy (COC) sa huling araw ng filing nito ngayong araw na ito na sumunod sa four companion only rule.

Ang nasabing patakaran ay nilabag umano ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go na sinamahan ng kaniyang supporters sa pangunguna ng Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang miyembro ng gabinete sa paghahain ng COC bilang senador nuong Lunes.

Sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na hindi naman nila maaaring mapigilan ang pangulo kayat hindi na dapat gayahin ng ibang kandidato ang ginawa ni Go.


Bilang ng naghain ng COC pumalo na 105 — COMELEC

Pumapalo na sa 105 ang bilang ng mga naghain ng certificate of candidacy (COC) para sumabak sa senatorial race sa apat na araw na itinakdang filing ng COC.

Ipinabatid ito ni COMELEC Spokesman James Jimenez subalit dadaan pa aniya sa screening ang mga ito at hindi lahat ay matatanggap bilang official candidates.

Kabilang sa mga naghain ng COC sa pagka senador sa ika-apat na araw ng filing nito kahapon sina dating DILG Secretary Mar Roxas, House Deputy Speaker Pia Cayetano, dating Senador Jinggoy Estrada, Senador Bam Aquino, dating Congressman Erin Tañada, Human Rights lawyer Atty. Chel Diokno, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Samantala, 115 list groups na ang naghain ng kanilang certificate of nomination and admission (CONA).

Kabilang naman sa 44 na party-list groups na naghain ng kanilang CONA sa day 4 ng filing ng COC kahapon ang OFW Family Club, Inang Mahal, Serbisyo sa Bayan, May Pagasa, Anakpawis, An Waray, Wi-Fi partylist, Ang Probinsyano Party-list, ang Siguro Party-list at Gutom Party-list.