Makabayan bloc kinantiyawan ang AFP sa umano’y ‘Red December’

0
50

Kinantiyawan ng Makabayan bloc ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos nitong ihayag na ginawa nang Disyembre ang umano’y “Red October” plot para pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa grupo, isa itong malinaw na desperadong hakbang ng gobyerno para lamang matabunan ang mga palpak at problemang dapat sana’y sinosulusyunan ng kasalukuyang administrasyon.

Giit pa ng grupo, nasasayang lamang ang intelligence fund na inilalaan sa ganitong klaseng mga impormasyon sa halip sana na ilagak na lamang umano mahahalagang programa para labanan ang mataas na inflation.