Mga lugar na apektado ng El Niño sa Bicol nadagdagan pa – DA

0
17

Dahil sa matinding init dulot ng El Niño, nadagdagan pa ang mga probinsya sa Bicol na naapektohan ang sektor ng agrikultura.

Karamihan umano sa mga sobrang naapektohan na magsasaka ay galing sa mga probinsya ng Camarines Sur, Masbate, Albay, at Sorsogon.

Sa datus ng Department of Agriculture (DA) Bicol, umakyat na sa 352.9 milyong piso ang naitalang halaga ng pinsala dulot ng tagtuyot.

Umabot naman sa lagpas 13,000 metriko tonelada ang production loss sa agrikultura.

Kaugnay nito, siniguro ng ahensya ang tulong na ibibigay nila sa mga apektadong magsasaka sa rehiyon. (Emman Lumapag)

Leave a Reply