Sunday, May 5, 2024

Mga kalsadang patungong pier hindi na muna maaring daanan

- Advertisement -

Pinapayuhan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang lahat ng mga motorista na huwag munang dumaan sa Roxas Boulevard Northbound, Radial Road 10 South Bound at iba pang mga pangunahing kalsada patungong Pier.

Gayundin ang mga truck na patungo pa lamang ng South Harbour at Manila International Container Terminal (MICT) ngayong araw.

Ayon kay Moreno, kanilang inaasahang tatagal hanggang hapon o gabi ang nararanasang masikip na daloy ng trapiko sa Roxas Boulevard simula pa kaninang umaga

Dagdag ni Moreno, magkatuwang na ang mga tauhan ng Manila City Hall, Philippine Ports Authority (PPA) at MMDA para masaayos at mapabilis ang daloy ng mga sasakyan sa roxas Boulevard.

Samantala, apektado na rin ng masikip na trapiko sa Roxas Boulevard ang bahagi ng Taft Avenue at iba pang kalapit na kalsada.

With report from Aya Yupangco (Patrol #5)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img