19 labi natagpuan sa iba’t ibang lugar sa Mexico

0
56

19 na labi ang natagpuan sa iba’t ibang lugar sa Mexico partikulara sa Michoacán at Uruapan State.

Ilan sa mga biktima ang nakasabit sa tulay at may tama ng baril.

Kasama sa mga natagpuan ang tatlong babae kung saan isa sa mga ito ang nakitang walang saplot ang kalahating bahagi ng katawan.

Ang Michoacán ay itinuturing na isa sa bloodiest states sa Mexico dahil sa awayan ng mga criminal group samantalang battleground naman ng war on drugs ng Mexico ang Uruapan.

Una nang pinakilos ni Mexican President Manuel Lopez Obrador ang tinatayang 80,000 national guard at itinalaga sa magugulong lugar sa Mexico.