Mga kabataan dapat sumunod sa health protocols kontra COVID-19 — WHO

0
19

Pinaalalahanan ng World Health Organization (WHO) ang publiko na dapat ding sundin ng mga kabataang may edad 12 taong gulang pataas ang standard health protocols.

Ayon sa WHO, dapat na magsuot din ng face masks ang mga kabataang may edad 12 taong gulang pataas upang mabawasan ang tsansa ng pagkakahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ng WHO, dapat na suot-suot ang face masks sa tuwing nasa pampublikong lugar dahil sa banta ng COVID-19.