Saturday, May 4, 2024

Mga kababaihan sa Saudi Arabia, pinayagan nang makapasok sa pagka-sundalo

- Advertisement -

Pinayagan na ng pamahalaan ng Saudi Arabia na makapasok sa pagkasundalo ang mga kababaihan sa kanilang bansa.

Ang anunsiyo ay nanggaling mismo kay Crown Prince Mohammed bin Salaman.

Ayon din sa Foreign Ministry ng Saudi Arabia, pwede nang manungkulan ang mga babae bilang Private first class corporal o Sergeant.

Kabilang ito sa reporma ng bansa para palawigin ang karapatan ng mga kababaihan.

Matatandaang noong nakaraang taon ay pinayagan na rin ng pamahalaan ng Saudi na makapagmaneho ng sasakyan ang mga kababaihan.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img