Mga gumaling sa COVID-19 sa QC umabot na sa 10k

0
15

Sumampa na sa higit 10,000 ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa Quezon City.

Mula ito sa kabuuang 12,695 kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Batay sa tala ng Quezon City Government nasa 438 naman ang bilang ng mga nasawi sa Quezon City dahil sa nasabing sakit.

Sa mga distrito sa Quezon City, naitala sa district 4 ang pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19 na pumapalo na sa 2,818.