Isa pang tripulanteng Pinoy nasagip sa tumaob na cattle ship sa bahagi ng East China — Bello

0
10

Nasagip na ang ikalawang Filipino mula sa tumaob na barko sa karagatang bahagi ng Japan.

Ito mismo ang kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kung saan nakilala ang tripulanteng pinoy na si Jay-Nel Rosales.

Matatandaang una ring pinangalanan ang nasagip na filipino bilang si Sareno Edvarodo.

Una rito, sinabi ng Japanese Coast Guard na patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang nasa 38 tripulanteng mga Filipino na lulan ng lumubog na barko sa karagatan sakop ng Amami Oshima o East China dahil sa masamang panahon.

Lulan ng nasabing cattle ship ang nasa 43 mga tripulante kung saan 39 sa mga ito ang Filipino.