Mga empleyado ng BOC nangangamba sa ‘military takeover’

0
60

Nangangamba ang Bureau of Customs Employees Association (BOCEA) sa military na takeover sa operasyon sa Aduwana.

Ayon kay BOCEA President Remedios Princesa, may malaking epekto sa kabuuang operasyon kung walang kaalaman ang sinumang uupo o mangangasiwa sa Bureau of Customs (BOC) lalo’t masyadong teknikal ang trabaho sa ahensya.

posible rin anyang lumiit ang revenue collection na makaaapekto sa ekonomiya at maaaring lumala ang port congestion kung pangangasiwaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang BOC.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-takeover ng militar sa BOC dahil sa hindi matapos na kontrobersya kaugnay sa smuggling ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu.