Bagyong Rosita napanatili ang lakas habang papalapit sa Isabela at Aurora

0
64

Napanatili ng bagyong Rosita ang lakas nito habang papalapit sa Isabela at Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometro bawat oras at may pagbugsong aabot sa 185 kilometro bawat oras.

Huling namataan ang bagyo sa layong 190 kilometro silangan, hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras sa direksyong kanluran.

Inaasahan ang pagtama sa kalupaan ng southern Isabela ng bagyong Rosita mamayang ala singko o ala siyete ng umaga.

Samantala nakataas naman ang tropical cyclone warning signal number 3 sa Isabela, Quirino, Northern Aurora, Nueva Vizcaya, Ifugao, Benguet, La Union, Ilocos Sur, Mountain Province at Pangasinan.

Signal number 2 naman sa Cagayan, Ilocos Norte, Apayao, Abra, Kalinga, Tarlac, Nueva Ecija, Northern Quezon kabilang ang Polillo Island, Southern Aurora, Zambales, Pampanga at Bulacan.

Nakataas naman ang signal number 1 sa Southern Quezon, Batanes at Babuyan Group of Islands, Rizal, Metro Manila, Laguna, Batangas, Bataan, Cavite at Camarines Norte.