Mga drayber at konduktor ng bus makakatanggap na ng fixed salary

0
47

Tatanggap na ng fixed salary at performanced-based incentives ang lahat ng mga driver at konduktor ng mga pampasaherong bus, epektibo simula Marso 9.

Ito ang inanunsyo ng National Wages and Productivity Commission o NWPC kung saan kanilang tinapos na ang tinatawag na “porsyentuhan” sa mga bus company.

Binigyang diin din ng NWPC na hindi dapat bumaba sa tinanggap na minimum fare ng mga arawang manggagawa sa partikular na rehiyon ang sahod ng mga tsuper at konduktor.

Bukod dito, sakop rin sa salary package ang 13th month pay, sick at vacation leave, night differential at iba pa.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng NCWP ang mga bus operators na sumunod sa nasabing direktiba.