Bangko Sentral ng Pilipinas may bago ng pinuno

0
50

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Secretary Benjamin Diokno bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, si Diokno na ang papalit sa nabakanteng pwesto matapos pumanaw si BSP Governor Nestor Espenilla dahil sa sakit sa cancer sa dila.

Inanusyo ang appointment ni Diokno bago nagsimula ang cabinet meeting kagabi sa palasyo.