30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Mga depektibong timbangan kumpiskado sa Maynila

- Advertisement -

Nakumpiska ng mga awtoridad sa Maynila ang ilang depektibong timbangan sa ilang mga talipapa sa lungsod.

Ito’y dahil sa isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Market Administration Office (MAO).

Kinumpiska sa naturang operasyon ang 19 na mga depektibong timbangan at 35 mga colored light sa Zamora at Altura talipapa na pawang mga nagagamit sa panloloko sa mga mamimili.

Dahil dito, nanawagan si Zenaida Mapoy, Direktor ng MAO, sa mga nagtitinda na huwag manloko ng mga mamimili lalo na sa pagsamantala sa kasalukuyang nararanasang krisis dulot ng COVID-19.

Pagdidiin pa ni Mapoy, mas makabubuting sa mga public market na lamang mamili dahil tiyak na calibrated ng MAO ang mga timbangan doon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -