Wednesday, May 8, 2024

Mga datos, impormasyon sa war on drugs isasapubliko na ng DILG

- Advertisement -

Isasapubliko na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang real score sa war on drugs ng pamahalaan.

Ito ay kasabay ng paglulunsad ng web-based centralized information system na magiging central reporting system na siyang magkokolekta, mag-iimbak at magmamapa ng data sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, malaki ang maiaambag ng pag gamit ng web-based centralized information system dahil maisasapubliko na ang mga datos at mahahalagang impormasyon na ikinakasa ng mga ahensya kontra sa iligal na droga.

Samantala, naniniwala naman si Año na malaki ang maiaambag ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img