Thursday, May 2, 2024

Mga bumibisita sa Siudad ng Baguio lalong dumaragsa

- Advertisement -

Baguio City – Hindi maikakaila ang muling pagbabalik ng dating karami ng mga turista na bumibisita ditto sa lungsod ng Baguio na obserbahan sa buwan ng Abril hangang sa nakaraang mahabang bakasyon noong Abril a 29 hangang Mayo a uno at maging sa tinatawag na long weekend na magkatulad na sitwasyon bago tumama ang COVID-19 pandemic.

Ayon sa Baguio City Tourism Office. Sinabi ni Engr. Aloysious Mapalo, ang Supervising Tourism Operations Officer, na wala umanong nakahawak ng tamang datos ngunit nararamdaman niya na muling nagbabalik ang mga turista tulad noong Mahal na Araw noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Mapalo na mahirap makahanap ng datos dahil sa walang tamang gamit na magbibilang ng mga turista maliban lamang sa mga ulat na nagmumula sa mga Accommodation Establishments (AE). Ngunit ang problema, hindi naman sila nagbibigay tamang ulat.

Sa kabilang dako, inamin niya na kasama sa pagdami ng mga turista ay problema ng basura at ang napakasikip na trapiko sa lungsod ng Baguio. Sinabi niya nananatiling hamon sa kanila ang kaayusan at kalinisan lalo na sa mga tourist spots. Kahit na malaki ang mga tulong ng mga malalaking garbage bins sa Central Business district tulad ng Session Road at sa mga parke, nananatiling malaking hamon ang kakulangan ng disiplina hindi lamang sa mga turista kundi sa residente ng lungsod ng Baguio ang tamang pagtatapon ng basura sa dapat na pagtapunan. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img