33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mga Bayan Sa Camarines Sur Handa Na Sa Paparating Na Bayong Ofel

- Advertisement -

Iriga City — Handa na ang mga bayan sa Camarines Sur sa paparating na bagyong si Ofel. Una rito, nagpalabas na ng red alert status si Gov. Migz Villafuerte ng Camarines Sur kasabay na ang kautusang i-activate na ang lahat ng Municipal Disaster Risk Reduction at Emergency Response Team ng mga Barangay, upang mapaghandaan ang paparating na bagyo.

Ipinag-utos na rin ang pre-emptive evacuation sa mga risedente ng low laying areas na maaaring magkaroon ng flash flood at landslides dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan mula 30-50mm.

Naka pre-position na ang mga gagamiting sasakyan maging ang food packs na ipapamahagi sa mga apektadong residente.

Si Mayor Madel Yorobe-Alfelor ng Iriga City ay nagpatawag na kahapon ng meeting sa CDRRMO at pinayuhan ang emergency response team na puntahan ang mga lugar na madaling abutin ng baha.

Sa Bayan ng Baao, pinapa-monitor na ang mga barangay na maaaring magkaroon ng flask flood at landslides, habang sa bayan ng Buhi ipinag-utos na ni Mayor Margie Aguinillo ang pagbabawal sa ano mang paglalayag sa Lake Buhi dahil sa inaasahang mataas na alon na dala ng bagyong Ofel.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

(Source: Provincial Office of Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -