Friday, May 17, 2024

Mga barko, military aircraft ng Amerika pinagbawalan ng China na dumaong sa HK

- Advertisement -

Pagbabawalan na ng China ang mga barkong pandigma at military aircraft ng Amerika na bumisita at dumaong sa Hong Kong.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Huwa Chunying, ang hakbang ay kasunod na rin ng napipintong paglalabas ng resolusyon ng Estados Unidos na nagbibigay suporta sa mga pro-democracy protesters.

Gayundin, sinabi ni Chunying na kanila nang papatawan ng parusa ang ilang mga US non-governmental human rights organizations na nagmomonitor at nag-uulat sa sitwasyon ng mga kilos protesta sa Hong Kong.

Magugunitang noong nakaraang linggo, nilagdaan ni US President Donald Trump ang Hong Kong human rights act and democracy act na magbibigay ng permiso para patawan ng parusa o suspendihin ang pakikipagkalan sa Hong Kong dahil sa paglabag sa karapatang pantao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -