28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Mga baril isinuko na ng mag-amang Garin

- Advertisement -

14 na matataas na kalibre ng baril ang isinuko ng mag – amang Iloilo Rep. Richard Garin at Guimbal Mayor Oscar Garin sa Philippine National Police.

Ito ay matapos na bawiin ng PNP ang inisyung permits to carry firearms sa mag – ama kasunod ang kontrobersiyal na pambubugbog ng mga ito sa isang pulis.

Ayon sa Guimbal Municipal Police Station, nagsuko si Mayor Garin ng isang 12 – gauge shotgun at apat na caliber .45 pistol.

Habang ang anak nitong si Rep. Garin ay nagsuko naman ng siyam na riffle at pistol.

Sa record ng PNP, ang mag – amang Garin ay mayroong 19 na armas na naka rehistro sa kanilang pangalan kung saan walo sa mga ito ay expired na ang lisensya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -