33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Mga barangay officials na namumulitika sa pamamahagi ng ayuda pananagutin —DSWD

- Advertisement -

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pananagutin nito ang mga opisyal ng barangay na namumulitika sa pamamahagi ng ayuda sa mga residente nito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa DSWD, hahabulin ng pamahalaan sa tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga pasaway na mga local government officials.

Ito’y bunsod ng mga reklamong inuunang bigyan ng ayuda ng ilang pulitiko ang kani-kanilang mga kamag-anak o kaya naman ay nilalagpasan ang ilang mga residente.

Samantala, tiniyak naman ng DSWD na sapat ang suplay nila ng relief goods at cash assistance na gagamitin sa pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -