Mga bakwit sa Batangas pinili pa ring bumalik sa mga evacuation centers — Batangas PNP

Mga bakwit sa Batangas pinili pa ring bumalik sa mga evacuation centers — Batangas PNP

by Powered by DWIZ
20 views

Tuloy lang ang gagawing pagbabantay ng Batangas Provincial PNP sa mga evacuation centers maging sa mga bakwit na nakabalik na sa kanilang mga tahanan.

Ito’y dahil sa marami pa ring mga bakwit ang pinili pa ring bumalik sa mga evacuation centers kahit pa pinayagan na silang maka-uwi matapos ibaba ng PHIVOLCS sa level 3 ang alerto sa Bulkang Taal.

Ayon kay Batangas Provincial Police Chief Col. Edwin Quilates, marami kasi sa mga bakwit ang wala nang babalikang tahanan matapos padapain ng abo na ibinuga ng bulkan.

Bukod pa ito sa mga bata at nakatatandang iniiwan sa mga evacuation centers dahil sa wala namang suplay ng kuryente at tubig sa kanilang mga iniwang tahanan. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

0 comment

Related Posts