AFP Chief Filemon Santos full pledged General na

AFP Chief Filemon Santos full pledged General na

by Powered by DWIZ
18 views

Pormal nang tinanggap ni AFP Chief of Staff Gen. Filemon Santos ang kaniyang ika-apat na Estrella.

Mismong si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nagsabit ng Estrella kay Santos bilang ika-53 AFP Chief of Staff sa Kampo Aguinaldo.

Dumalo sa nasabing seremoniya ang pamilya ni Santos at ang matataas na opisyal ng AFP sa pangunguna ng Vice Chief of Staff nitong si Vice Admiral Gaudencio Collado Jr.

Magugunitang sa pagpasok ng taon ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ad-interim appointment kay Santos bilang bagong AFP Chief of Staff kapalit ng nagretirong si Gen. Noel Clement.

Si Santos ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Sinagtala Class of 1986 at mistah ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

0 comment

Related Posts