30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mga Bakuna Dumating Na Sa Bicol Region; Mga Pilot Hospitals Na Pagdadalhan, Natanggap Na Rin Ito

- Advertisement -

Umaga nang Marso 4, 2021, lumapag ang eroplanong naglalaman ng  nasa 12,000 na CoronoVac Vaccines sa Legazpi City Airport. Agad namang dinala ang CoronoVac Vaccines sa Vaccine Storage Facility ng Department of Health-Bicol Center Development para sumailalim sa inventory bago ibyahe sa mga pilot hospitals na nakatakdang pagdalhan nito.

Bandang tanghali nang matanggap ng Bicol Medical Center (BMC) at ng Naga Imaging Center Cooperative Doctors Hospital (NICC Doctors Hospital) ang 600 vials na nakatakdang iturok sa 526 health workers ng BMC at 74 naman galing sa NICC. Samantala, bandang ala-una ng hapon, natanggap na rin ng The Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH)  sa Albay ang first batch ng bakuna na nakatalaga para sa kanila. Alas dos naman dumating sa Bicol Regional General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) sa Cabusao, Camarines Sur ang 600 vials ng CoronoVac na nakatakdang iturok sa mga health workers doon.

Samantala, bilang paghahanda sa isasagawang mass vaccination, nagkaroon ng COVID-19 National Vaccination Program Basic Immunization Training ang Regional Vaccination Operation Center of the Department of Health – Bicol Center for Health Development sa Bicol Medical Center in Naga City, ngayong gabi na dinaluhan ng mga health workers na nakatalagang magbabakuna sa lahat ng nakatakdang bakunahan sa mga susunod na araw.

(Source: DOH CHD BICOL)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -