Meralco puspusan ang paglilinis sa mga insulator na nabalot ng ash fall ng Taal

0
21

Puspusan na ang pagtatrabaho ng Meralco para malinis ang mga naapektuhang insulator matapos mabalot ng ash fall mula sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Tiniyak ito ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga kasabay ang paghingi ng pang-unawa sa mga residente sa ilang lugar sa Batangas at maging sa Tagaytay na wala pa ring suplay ng kuryente.

Ipinabatid ni Zaldarriaga na masyadong malawak ang pinsala ng ash fall sa maraming bayan sa Batangas kaya’t maraming insulators ang kailangang linisin kung saan bawat poste ay may tatlo o higit pang insulator.