MBC suportado ang pagbibigay ng bonus sa mga empleyado

0
23

Suportado ng Makati Business Club (MBC) ang panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay na ng maaga ng mga employer ang bonus o 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

Ayon sa MBC malaking tulong sa mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 ang maagang pagpapalabas ng bonus o 13th month pay lalo na sa mga manggagawang arawan ang suweldo para suportahan din ang kanilang pamilya.

Kasabay nito nanawagan din ang MBC sa gobyerno na magbigay ng benepisyo o loan para sa mga nawalan ng trabaho at umapelang palawigin ang deadline nang pagpa-file at pagbabayad ng income tax.