2 may hinihinalang kaso ng COVID-19 sa Caloocan City, patay

0
40

Idineklarang dead on arrival sa isang ospital ang dalawang may hinihinalang kaso ng COVID-19 sa Caloocan City.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, doktor ang nagsabing ang mga nasabing pasyente ay posibleng nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Malapitan na kinukunsider na persons under monitoring (PUM) ang mga miyembro ng sambahayan ng mag-asawa.

Noong Lunes nang ibunyag ni Malapitan na isang empleyado nila ang nag positibo sa COVID-19.