Radio Philippines Network
Headlines National News

Mayorya ng mga Pinoy nasiyahan sa May 13 elections – SWS survey

Mayorya o katumbas ng apat (4) sa kada limang (5) Pilipino ang nasisiyahan sa pagkalahatang pagsasagawa at resulta ng halalan noong Mayo 13.

Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan 80% ng mga Pilipino ang nagsabing kontento sila sa isinagawang eleksyon habang 12% ang hindi nasiyahan at 7% ang undecided.

Ayon sa SWS, sa kabuuan nakakuha ang nakaraang midterm election ng +68 o very good net satisfaction rating na mas mababa naman ng 5pts. mula sa record high na +73 o excellent noong 2016 presidential elections.

Sa kaparehong survey din lumabas na 86% ang nagsabing kapanipaniwala ng resulta ng senatorial election, 88% sa house of representatives, 84% na porsyento sa mga governors at 89% sa mga alkalde.

Gayundin, 79% ang nagsabing nagampanan ng COMELEC ang kanilang tungkulin ng walang pinapaborang kandidato o grupo, 10% ang hindi naniniwala habang 11% ang undecided.

Isinagawa ang survey mula Hunyo 22 hanggang 26 sa 1,200 mga adult respondents sa buong bansa.

Related posts

Mga international flights sa bansa mananatiling suspendido hanggang Mayo 8

Powered by DWIZ

Albayalde, Magalong patuloy ang palitan ng parunggit kaugnay sa ‘ninja cops’ issue

Powered by DWIZ

Pahayag ni Duterte na maaring tumanggap ng regalo ang pulisya dinipensahan ng Palasyo

Powered by DWIZ