30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

4 Pinoy pilgrims patay sa atake sa puso sa Mecca

- Advertisement -

Patay ang apat na Filipino pilgrims sa Hajj sa Mecca, Saudi Arabia matapos atakihin sa puso.

Batay sa ulat, may edad 57 pataas ang mga nasawi na posibleng inatake sa puso dahil sa matinding init ng panahong nararanasan sa Saudi Arabia na umaabot sa halos 48°C.

Agad namang inilibing ang apat (4) na nasawi na kabilang sa 7,200 mga Filipino pilgrims para sa taunang Hajj.

Kasunod nito, pinapayuhan ng konsulata ng Pilipinas sa Jeddah ang mga Pinoy pilgrim na iwasang lumabas o magbabad sa init gayundin ang paggamit ng mga pananggalang sa init at pag-inom ng maraming tubig.

Tiniyak din ni Consul General Edgar Badajos na nakahanda sila sakaling kailanganin ng tulong ng mga Pinoy pilgrims kahit may mga nakaantabay na aniyang medical team sa Mecca.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -