Saturday, May 11, 2024

Mayor Sara pinayuhang huwag tumakbo sa nat’l post hanggat nariyan si Sen. Trillanes

- Advertisement -

Makabubuting huwag munang tumakbo sa anumang posisyong pambansa si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio hangga’t mayroong pulitikong katulad ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Iyan ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anak dahil sa paniniwalang wala itong mapapala sa pagiging pangulo kung hindi puro sakripisyo at insulto.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa panayam sa kaniya ni Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City sa harap ng isyung itinutulak umano ang alkalde sa pagkapangulo sa 2022 presidential elections.

Giit ng pangulo, kahit gaano kasikat ngayon ang kanilang pamilya, darating pa rin ang panahon aniya na maglalaho rin ang kinang at may sisibol na bagong pangalan sa hinaharap.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -