Amerikanong sangkot sa child pornography arestado

0
53

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Amerikanong wanted sa pangmomolestiya sa mga bata at sangkot din sa child pornography.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Jason Eric Keller, 33 anyos na naaresto sa kanilang district office sa Davao City habang nag-aapply ng extension sa kaniyang tourist visa.

Dahil wanted si Keller sa Connecticut sa Amerika, sinabi ni Morente na agad itong idedeport dahil sa isang banta sa mga kabataan ang naturang dayuhan at saka isasama sa blacklist upang hindi na muli itong makapasok sa Pilipinas.

Una rito, naglabas ng arrest warrant ang U.S District Court sa Connecticut noong Disyembre ng nakalipas na taon dahil sa child molestation at pagtanggap ng mga pornographic materials.

Nito lamang Abril, humingi ng tulong ang U.S gov’t sa Pilipinas para tugisin at hanapin si Keller dahilan para mapabilang ito sa watchlist na gumagamit din naman ng alias na ‘Eddie Buttered Toast.’