Saturday, May 4, 2024

Mayor Isko Moreno at PNP magtutulongan para sa kampanya laban sa mga Batang lansangan sa Metro Manila

- Advertisement -

Nagpasaklolo na si Manila Mayor Isko Moreno sa PNP o Phil. National Police upang mas paigtingin pa ang kampanya para sa mga Batang Lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, malaking hamon ang ikakasa nilang kampanya kaya’t aminado siyang kailangang-kailangan niya ang tulong ng pulisya.

Kaugnay nito sinabi naman ni NCRPO o National Capital Region Police Office Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, suportado ng kanilang hanay ang mga hakbang ng lokal na pamahaalaan upang labanan ang krimen.

Ayon kay Eleazar, isa sa problema ng pulisya ang mga Street Children dahil ginagamit anya ito ng mga sindikato sa paggawa ng krimen.

Samantala, tiniyak rin naman ni Eleazar na magiging maingat sila sa pagdampot sa mga Batang Lansangan kung saan magiging katuwang rin nila ang DSWD o Dept. Of Social Welfare and Development.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img