35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mayor Isko iginiit na hindi tatakbo bilang presidente sa 2022

- Advertisement -

“Hindi ako tatakbo bilang presidente”

Ito ang iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang mga kritiko na nagsasabing huwag haluan ng pulitika ang kanyang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal.

Pinayuhan naman ng alkalde ang kanyang mga kritiko na huwag masyadong magmamadali dahil sa taong 2022 pa ang susunod na halalan.

Una rito, galing ang alkalde ng Maynila sa mga residente ng siyudad na naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan upang magpaabot ng tulong mula sa OFWs, city officials, tindera sa Divisora, at maging ng mga kabataan sa Maynila.

Samantala, umabot naman sa halos P6-milyon ang ibinahagi ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa relief operations sa lalawigan ng Batangas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -