Friday, May 3, 2024

Mayor Calderon ng Angono Rizal nagpositibo sa COVID-19

- Advertisement -

Nagpositibo sa COVID-19 si Mayor Jeri Mae Calderon na alkalde ng Angono sa Rizal.

Ayon kay Calderon, sabado nang siya’y itakbo sa ospital makaraang makaranas ng ilang sintomas ng virus, at kahapon nga, Setyembre 30 nang natanggap niya ang resultang positibo siya sa virus.

Bukod dito, nakakaramdam din si Calderon ng sore throat at pagkawala ng gana sa pagkain.

Kasunod nito, labis ani Calderon ang kanyang lungkot sa pag-iisa habang nagpapagaling sa ospital dahil hindi naman uubrang may makasama siya, lalo’t iniiwasan ito para mapigil ang pagkalat ng virus.

Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si Angono, Rizal Mayor Calderon sa kanyang mga kasamahan na patuloy na nagdarasal sa kanyang agarang paggaling.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img