32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Mayor Benjamin Magalong nagpaalaala sa publiko na panatiliin na malinis ang lungsod ng Baguio

- Advertisement -

Baguio City – Muling nagpaalala si Mayor Benjamin Magalong sa mga turista at mga bisita na umaakyat sa Baguio ngayong taon tulad ng nakaraang Baguio Flower Festival at iba pang okasyon na huwag na huwag magtatapon ng kanilang basura sa kung saan saan lamang.

Aniya, magtapon lamang sa mga tamang tapunan upang mapanatili ang kalinisan sa buong lungsod.

Nagbabala ang mayor na “Nandiyan naman po iyong mga trashbins, diyan nyo po ilagay at huwag lang sa tabi o kung saan-saan itinatapon. Talagang maghihigpit po ang lungsod tungkol ditto.

Kanyang sinabi na marami ng mga tao ang nahuhuli ng otoridad sa pagtatapon ng kanilang basura at karamihan doon ay mga turista.

Kanya rin niyang ipina alala ang anti-littering ordinance ng lungsod na ginagawa ng mga tao na labag sa batas ang pagtatapon ng anumang klase ng basura at ito ay may multa o parusa sa paglabag nito.

Kung inyong matatandaan na noong 1995, ang lungsod ng Baguio ang nagtamo ng “Hall of Fame” award nationwide Search for the Cleanest and Greenest Highly Urbanized City matamos manalo sa tatlong sunod sunod na mga taon. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIA Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -