Mayor Benjamin Magalong nagpaalaala sa kahalagahan ng kalinisan sa kalikasan dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng leptospirosis sa Baguio City

0
3

Baguio City – Pinaalalahanan ni Mayor Benjamin B. Magalong ang publiko na panatilihin na malinis ang kanilang kapaligiran at tiyakin na sumusunod ang lahat sa mga Pamantayan sa Kalinisan dahil sa tumataas na mga kaso ng leptospirosis.

Naalarma o nabahala ang mayor dahil sa kanyang natanggap na ulat mula sa City Health Services Office na nagsabi sa kanya na may lima ng mga katao ang nasawi sa lungsod ng Baguio dahil sa leptospirosis at may 45 local cases mula Enero hanggang Septiyembre a 23 ng taong ito. Sa kabuang kaso, 38 ang mga kalalakihan at 7 ang mga kababaihan.

Ayon sa City Health Services Office, Ang mga edad ay nagmumula sa isang taong gulang hangang 85 taong gulang kasama dito ang 45 anos.

Ayon pa rin sa City Health Services Office, ang Barangay Irisan ang may pinakamataas na kaso ng leptospirosis sa mga barangay dito sa lungsod ng Baguio, sinundan ito ng Bakakeng Central, Asin Road, Lourdes Subdivision Extension, Cabinet Hill-Teacher’s Camp, Fairview Village, Gabriela Silang, Aurora Hill Proper, Gibraltar at Santo Tomas Proper.

Binalaan ang City Health Services office na ang naturang kaso ay tumaas dahil sa malalakas na pag-ulan kamakailan lamang na nag iiwan ng nananatiling tubig kung saan ang leptospirosis bacteria ay maaring mabuhay.

Ang Leptospirosis ay isang bacterial infection na kumakapit sa mga tao at maging sa mga hayop na nangggalng sa ihi ng mga daga. Ang bacteria ay maaring pumasok sa tao sa pamamagitan ng sugat nahaluan ng tubig ulan o lupa.  Ang madla ay inaasahan na maglinis ng kanilang kapaligiran upang makontrol ang naturang sakit. (Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio City)

Leave a Reply