Thursday, May 9, 2024

Maynila magbibigay ng ‘free accommodations’ sa COVID-19 frontliners

- Advertisement -

Inanunsyo na ng lokal na pamahalaan ng Maynila na mabibigyan na ng libre at pansamantalang accomodation sa mga hotels ang mga frontline workers na maaapektuhan ng tigil transportasyon dahil sa umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine.

Batay sa nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno na Executive Order number 17, 531 mga hotel rooms ang nakalaan para sa mga health workers at iba pang frontline workers sa Maynila.

Kabilang sa mga hotels na maaaring tuluyan ng mga frontliners ang SOGO Hotel na magbibigay ng mahigit 400 libreng kwarto, 50kwarto naman sa Eurotel at 60 sa Town and Country Hotel.

Samantala, kinumpirma naman ng alkalde na umakyat na sa siyam ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod, habang 18 naman ang Persons Under Investigation (PUI).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img