Tuesday, May 14, 2024

May babala si Mayor Benjamin Magalong sa mga bisita na umaakyat sa Baguio City

- Advertisement -

Baguio City – Hinikayat ni Mayor Benjamin Magalong at ni Acting City Health Officer Dr. Celia Flor Brillantes ang mamamayan ng lungsod ng Baguio at maging ng mga bumibisita sa lungsod na magsuot ng face mask para sa kanilang proteksyon laban sa respiratory at influenza-like na mga sakit kasabay ng pag umpisa ng panahon ng tag lamig sa Baguio. 

Sinabi ni Mayor Magalong, kailangan na protektahan natin ang ating sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng face masks lalong lalo na matataong lugar.

Sinabi ni Dr. Brillantes na ang severe acute respiratory infection (SARI) at influenza-like illness (ILI) cases ay tumaas at ito patuloy dahil sa malamig na panahon natin na ating nararanasan sa Baguio lalo na ngayong Ber months hanggang sa buwan ng Pebrero.

Kanyang idinagdag na ang influenza-like illness at ang severe acute respiratory infection ay maaring maiwasan sa pagsunod sa tinatawag na basic health protocols katulad na pagsusuot ng face mask at ang palagiang paghuhugas ng kamay. 

Anya kailangan manatili tayong balot ng jacket o pangginaw upang maging mainit ang ating katawan at itaas natin ang ating resistensiya sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiyang pagkain, ang ehersisyo at ang pag-inom ng tubig o juice.”

Samantala, sinabi ng City Epidemiology and Surveillance Unit ng City Health Services Office na ang influenza like illness ay may palatandaan o sintomas tulad ng lagnat at ubo o ang pagkakaroon ng sore throat na maaring sanhi ng flu virus, respiratory syncytial virus, coronavirus disease at ng iba pa. 

Habang ang pagkakaroon ng severe acute respiratory infection SARI ay nalalaman na lamang kung may lagnat, ubo at mahirap na paghinga. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -