May-ari ng dialysis center na sangkot sa umano’y ghost dialysis scam ipinaaaresto

0
50

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga may ari ng dialysis center na dawit sa umano’y ghost dialysis treatment scam.

Sa panayam kay Pangulong Duterte sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy, kanyang inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na ipatawag ang lahat ng sangkot at arestuhin ang mga may-ari ng mga center kung saan natuklasan ang scam.

Kasabay nito, ipinahiwatig din ng pangulo ang posibleng pagbalasa niya sa mga opisyal ng PhilHealth kasunod na rin ng natuklasang panloloko.

Tiniyak din ni Pangulong Duterte ang pagpapanagot sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na mapatutunayang sangkot sa ghost dialysis treatment scam.