Ben Tulfo tinawag na butaw ang inilatag na kondisyon ni Bautista

0
68

Binanatan ni Ben Tulfo ang mga kahilingan ni DSWD Sec. Rolando Bautista kaugnay sa naging isyu nito sa kapatid niyang si Erwin Tulfo.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Bautista na tatanggapin lamang niya ang pag-hingi ng tawad ni Erwin Tulfo, kung magbibigay ito ng 300 libong pisong donasyon sa labing siyam na institusyon ng gobyerno.

Sa isang Social Media Post, tinawag ni Ben Tulfo na “butaw” ang inilatag na kondisyon ni Bautista.

Inihalintulad pa nito si Bautista kay Padre Damaso na isang karakter sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere.

Aniya, hindi na kinakailangan pang magbayad ng kaniyang kapatid ng daan-daan lbong piso para lang mahugasan ang mga kasalanan nito.

Matatandaang, sa isang pahayag sinabi ni Bautista na maliban sa hiningi niyang donasyon, ay dapat ring mag labas ng pahayag si Erwin Tulfo sa lahat ng kilalang pahayagan, at mga istasyon ng radyo upang tanggapin niya ang pag-hingi nito ng tawad sa kaniya.