Masusing imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth pangako ng DOJ

0
12

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na susuyurin nila ang bawat anggulo sa isasagawa nilang imbestigasyon ukol sa mga umano’y anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang inihayag ni Justice Sec. Menardo Guevarra matapos bumuo ng isang task force salig sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Guevarra, nakikipag-ugnayan na siya sa iba’t-ibang constitutional bodies tulad ng Office of the Ombudsman at Office of the Solicitor General hinggil dito.

Magugunitang sa inilabas na memorandum ng Pangulo, binibigyan nito ng kapangyarihan ang bubuuing task force ng DOJ na magrekumenda kung dapat ba o hindi na suspindehin ang mga tiwaling opisyal ng PhilHealth at isailalim ang mga ito sa lifestyle check.